welcome Lovey๐๐ซถ
Sa lumang silid-aralan, doon nag-umpisa, Mga batang puso'y sabay na nagpasa. Sa bawat pagsulyap, may ngiting taglay, Hindi ko alam, pag-ibig pala'y naghihintay. Mga assignment, proyekto'y ginawa, Sabay na nag-aral, problema'y kinaya. Kuwentuhan, tawanan, walang kapaguran, Kaibigan lang kita noon, pero ngayun, aking kapalaran. Puso'y nagbago, hindi mapigilan, Pagtingin sa'yo'y higit pa sa kaibigan. Sa bawat pagdaan ng araw at gabi, Ang pag-ibig ko sa'yo'y lalong gumagrabe. Kaibigan Noon, Kasintahan Ngayon Lakas loob kong sinabi, Ang tunay na damdamin, aking pinawi. Nanginig ang kamay at mga labi, Nang sabihin ko sayung, Ikaw ay maganda araw man or gabi. Mula sa pagkakaibigan, naging magkasintahan, Pangarap ng puso'y sabay nating hinaharan. Ligaya't saya, sa puso'y umaapaw, Ikaw ang bituin, sa langit kong ginagalaw. Layo ang Pagitan, Puso'y Naglalakbay Ngunit kapalaran, sa ati'y sumubok, Malayo ang pagitan, parang isang suntok. Magkaiba ng lungsod, magkalayo ang daan, Ngunit lagi mong tandaan, Ikaw ang laman ng puso kot isipan. Bawat tawag, bawat text, laging inaabangan, Mga kwento sa araw, sa isa't isa'y ibinabahagi natin at lalo pang pinapagtibay ang pagmamahalan. Sa bawat "kumusta," puso'y sumasaya, Malayo man ang distansya, ikaw pa rin ang aking sinta. Alam ko, magulang mo'y mahigpit, Ngunit pag-ibig ko sa'yo'y hindi matitinag, hindi ko ihihirit. Sisikapin kong ipakita, ang tunay na pagmamahal, At sa kanila'y mapatunayan, ikaw lang ang tanging dasal. Hindi ako susuko, kahit sa anong labanan, Pagmamahal ko sa'yoy, aking ipaglalaban. Sapagkat ikaw ang dahilan, kung bakit ako'y buhay, At sa piling mo lamang, puso ko'y tunay na naglalakbay. Layo man ang pagitan, problema man ang dumaan, Pag-ibig ko sa'yo'y hindi mawawala kahit kailan man, Ikaw ang aking kaibigan at kasintahan, Ipaglalaban kita hanggang kamatayan. Kaya't magtiwala ka, aking mahal, Hindi mag tatagal, tayu rin ay ikakasal. Sapagkat sa puso ko, ikaw lang ang tanging laman, At ikaw ang mamahalin, magpakailanman. Sa bawat titig, pangako'y naglalaro, Isang bahay, sa isipan, unti-unting nabubuo. Hindi ginto, hindi pilak, ang nais ipunin, Kundi pag-ibig, sa tahanang aariin natin. Lupa't sasakyan, pangarap na kayamanan, Ngunit higit pa riyan, ang ating kinabukasan. Sabay tayong hahawak, sa bawat hirap at saya, Hanggang makamtan, ang lahat ng kayamanan. Tatlong anghel, sa ating buhay lilipad, Isang prinsesa, sa 'ting piling ay darating, Dalawang prinsipe, sa atin ay magmamahal, Pamilyang buo, ibibigay ng maykapal. Sa hardin ng puso, magtatanim ng pag-asa, Bawat binhi, aalagaan, walang alinlangan. Sama-sama nating tatahakin ang landas, Hanggang sa pangarap, ating maabot nang wagas. Ang bahay ng pangarap, di lang bato't kahoy, Kundi pagmamahal, na sa puso'y umaapoy. Kasama ka, mahal ko, sa bawat sandali, Sa pagbuo ng kinabukasan, para sa ating minimithi. Sa chat, madalas ang awayan, Puro tampo, puro biruan. Sintabi, mahal, 'wag kang magtampo, Keyboard lang 'yan, di totoong puso. Malayo tayo, LDR kung tawagin, Puso'y nagdurusa, ika'y hanapin. Pero 'pag nagkita, ibang usapan, Lambing at saya, walang kapantayan. 'Pag may pamasahi, ako'y pupunta, Kahit malayo, walang magagawa. Sa parke o mall, tayo'y gagala, Hawak kamay, puso'y masaya. Kahit online magkasungitan, Pag magkasama, walang iwanan. Tayo'y magkaiba, 'yan ang totoo, Pero pag-ibig natin, tunay at buo. Ikaw ang araw sa aking umaga, Bituin sa gabing balot ng saya. Sa puso ko'y ikaw ang nag-iisang tala,Liwanag na bumobuhay sa aking mga mata. Maldita ka man, 'yan ay biro lang, Ang puso ko'y sa iyo'y nakalaan. Ang iyong ngiti, aking kayamanan, Sa hirap at ginhawa, ika'y aalagaan. Hindi kita iiwan, pangako ko ito, Sa lungkot o saya, nandito ako. Hawak ang kamay mo, hindi bibitawan, Pagmamahal ko'y habang buhay, walang hanggan. Habang buhay kitang aalagaan, Pag-ibig ko'y walang katapusan. Sa lungkot at sa kasiyahan, Tayo'y magkasama, magpakailanman. to be continued HAHAHAHAHA